It was supposedly 15 of us that should be on this travel, exploring the beauty of caramoan, but as the day got nearer, paonti na din kame ng paunti. TL namen si Charlie, backed out, kasi darating daw ate nya. Of course, ate gladz, his girlfriend wont be joining us neither. Si mama she, may sakit na din. As well as other team mates, hex, jaja, Jerome, mama mon, di na din sumama. They have their own respective reasons, kaya sige. It turned out 9 na lang kame. To name, AKO (deydey), bea, aldzar, grace, rob, janice, joy, am, at ateh rendy. We packed our things, not really knowing san ba talaga ang pupuntahan namen. Met up in cubao alimall dapat 2pm, I was late as usual. Pero tama naman eh, alas dos. Alas dos nga lang ako umalis sa lugar namen. Got there around 3pm. Wala pang bus na masasakyan. Rob and I took our chances to book for an earlier trip schedule, 430pm as the earliest trip.. I just don’t know kung swerte o sana di na lang namen tinake ung offer, kasi sila ung mga naiwan sa alimall, nagkkwentuhan about our trip going to bicol, at may nag eeaves drop na pala sa pinag uusapan nila. They met kuya Wil.. haha wilfredo morado. He offered his services going to naga, pro pinaderetso na namen sa sabang port. 1k per head ang usapan.Wew. Excited na lahat! Etong si kuya wil, tinravel muna kame sa Marikina. Daan daw muna sya sa bahay nila. Fx type ung sasakyan, ok sana kasi kame-kame lang, pero ang hirap ng pwesto namen. Sikip hirap mag-unat ng katawan. Galaw-galaw tlaga baka pumanaw.
Ayan umpisa na ang trip na trip. Mejo may kabagalan ang takbo ni kuya. Actually di naman mabagal, sakto lang. kaso tong si AM nagreklamo, sabi pa “kuya wala na ba tayong ibibilis jan, too fast too furious naman jan”. simula nyan di na kame nakatulog nang maayos sa byahe! Ang hilig nya mag overtake. Kapit na lang kame pag nag oovertake sya eh. Sabi na lang namen, before you reach paradise, hirap muna ang uusungin. Haha ayos ba.
Nasa Naga City na kame around 2am. Sad thing, 2hrs din kameng halos di alam ang pupuntahan. Una naming napuntahan, e sabang port nga naman. Sa kalabangga. Kaso bagsakan pala yun ng isda, at hindi terminal going to caramoan. Hirap pa man din magtanong kasi halos wala na mga tao sa daan. Ang hirap na din magtanong kasi kung san san kame napupunta. Hirap na nga magtiwala sa mga napagtanungan namen eh.. at maganda pang eksena muntik na kame makarating sa caramoan through land travel. Panalo toh!
Ayun around 5am, thanks to God, nakarating na din kame sa TAMANG port, Sabang Port. Sa wakas, malapet na! so sulat muna sa manifesto, yun ung listahan ng mga sasakay sa Bangka. Para kung ano man ang mangyare samen, alam nila kung san hahagilapin ang mga mahal namen sa buhay. Hahaha gulat naman kame, ang lalaki kasi ng alon, may mga porter dun, kala namen to load lang yung mga gamit namen sa banka. Hala pati pala kame mismo eh ipapasan papuntang Bangka. Ayos yun diba! Kakaibang experience. We paid 20pesos per porter. 2hour drive going to Guijalo Port. Ang sakit na ng pwet ko. Flat na flat na kaka upo. Kanya2 na lng ng eksena to.
Around 10 am, nasa port na kame. Sinundo na kame ni kuya Bobot. And then it started our magical journey in Caramoan……